Review

The Artist as Forager of Material:
A Review of Wawi Navarroza’s As Wild As They Come

Wawi Navarroza is a lens-based artist with a collagist’s heart. Alternating between two homes, Manila and Istanbul, she is a forager of material, gathering inspiration from a lineage of artists while burrowing deep into her innermost rhythms. In her playfully skewed photographs, we glimpse the marbled victims of Medusa’s gaze, the commanding side-eye of Frida Kahlo, and even Balthus’s Thérese cooling down from the Manila heat. Flirting with a variety of personas, places, and histories, Navarroza’s body of work emphasizes her role as both actor and director: she edits and assembles, poses and stares, and finetunes lighting and costume.   As Wild As We Come is Navarroza’s latest solo exhibition with Silverlens Gallery Manila. Inspired by her relocation to Istanbul and the transformative experience of motherhood, the show testifies to Navarroza’s desire to return to art amid all these changes. It asks that we meet Navarroza on her own terms: as a mother, migrant, artist, and technician.   A Showy Strangeness  Within these tableaus, Navarroza pursues a controlled kind of mess. In Brave New World, a birthday cake is embellished with gems—and is that a baby snake slithering underneath it? In another, Todo Lo Que Tengo/Bottomless/Bereket (Self-Portrait with Vessels), a barefooted Navarroza sits poised while holding different vases, spliced in uneven fragments, drawing attention to its own construction.  Figure 1: Wawi Navarroza, Brave New World, 2022. Archival pigment ink on Hahnemühle Photo Lustre mounted on dibond. Artist frame with wooden mat board and glazed, colored frame (80 x 60 cm). Image courtesy of Silverlens Gallery.  Figure 2: Wawi Navarroza, Todo Lo Que Tengo / Bottomless / Bereket (Self-Portrait with Vessels), 2022. Archival pigment ink on Hahnemühle Photo Lustre mounted on dibond. Artist frame with wooden mat board and glazed, colored frame (135 x 101 cm/53 x 40 inches).  Image courtesy of Silverlens Gallery.  In a previous interview with art historian and curator Roger Nelson, Navarroza said, “I retract and reveal in order to remind the viewer that photography is malleable and is very much a contemporary art medium to construct the image, to propose interstices, to break and tear.”   So, how do we encounter Navarroza’s world? In these new works, we are never quite sure where we are or how we got there in the first place. Instead, we are tasked with accounting for the sheer array of things. Our eyes hover over each tableau, mesmerized but restless. Portals/Double Portrait finds our subject in two guises. On the left side, she is draped in a bevy of colors, primed for a night out; to the right, she assumes a more conservative dress in uniform tones. A child sits on her lap. These two versions of Navarroza look at each other expressionless, separated by a drapery bearing flowers and fruits. Hard-boiled eggs form a loose grid on the floor.  Figure 3: Wawi Navarroza, Portals/Double Portrait (Self-Portraits), 2022. Archival pigment ink on Hahnemühle Photo Lustre mounted on dibond. Artist frame with wooden mat board and glazed, colored frame (117 x 101 cm). Image courtesy of Silverlens Gallery.  These images, in their showy strangeness, exert a talismanic force as though you are just about to witness some ritual spell. Here, Navarroza uses self-portraiture to probe two roles – that of the free-spirited artist and the benevolent mother. But instead of choosing one over the other, Navarroza allows these two roles to coexist amid a cornucopia of images.   Embracing Life’s Mess  This tendency for maximalism seems to be the prevailing principle of the show, and it betrays an artist caught in a transitional moment in her career, basking in the complexity of unfixed identities, determined not to let anything resolve into a single notion. Previously, Navarroza’s self-portraits hinged on a specific concept (the tropical gothic, for instance), which brought her prismatic worldview into focus. But in As Wild As We Come, the artist sought refuge in the expansive but vague idea of wildness. From the show’s perspective, wildness can come to mean just about anything—from Eurocentric connotations of savagery to the enigmatic display of Filipino horror vacui to explorations of motherhood and female power. It tries to make space for all these interpretations, however unwieldy, but does so at the expense of a legible vision.     For instance, Navarroza tries to cram as many details as possible in Mouth of Pearls/Oryental & Overseas, which appears as a jumbled attempt to comment on the state of Overseas Filipino Workers (OFWs). It’s a picture of excess that depicts Navarroza in a luxurious robe, holding up a mirror to look at herself as she clutches a pearl necklace with her mouth. A balikbayan box, a package usually filled with gifts and practical items brought home by returning OFWs, is used as a makeshift table holding up even more pearls.  Figure 4: Wawi Navarroza, Mouth of Pearls/Oryental & Overseas (Self-Portrait), 2022. Archival pigment ink on Hahnemühle Photo Lustre mounted on dibond. Artist frame with wooden mat board and glazed, colored frame (135 x 101 cm/53 x 40 inches). Image courtesy of Silverlens Gallery.  The Navarroza we find in this tableau is distanced, fixated on the mirror—perhaps trying to discern what lies beyond it and seeking a future of prosperity like so many OFWs. The work has the feel of an impenetrable fever dream, keeping us viewers at a remove.  Deconstructing the Muse  “For me, making self-portraits is a way of bravely asserting my own self-determination and representation as a woman, Asian, transnational [and more],” Navarroza remarked in an email exchange. She has also previously been open in sharing how artmaking has allowed her to unsettle Western and patriarchal conceptions of the gaze.  This idea of the gaze traditionally positions the white male figure as the default perspective through which the world is experienced. By situating herself as both choreographer and muse, actor and editor, Navarroza puts forward a set of hyper-specific images that challenge this notion, revealing the exuberance of a woman coming to terms with herself. Beyond confronting the gaze’s traditional role in photography and portraiture, Navarroza has also

The Artist as Forager of Material:
A Review of Wawi Navarroza’s As Wild As They Come
Read More »

Women Solidarity sa Pelikulang 12 Weeks

May isang eksena sa kalagitnaan ng 12 Weeks kung saan si Alice (Max Eigenmann), isang 40 anyos na babae na nagta-trabaho sa NGO, ay nagaayos ng mga damit pambata na bigay sa kanya ng kanyang nanay na si Grace (Bing Pimentel). Nasa loob siya ng kanyang kwarto, gabi, at tahimik ang eksena. Katatapos lang nilang mag-ina na maghapunan. Isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga damit na dapat sana’y para sa kanya noong sya ay bata pa. Hindi na ito naipadala ni Grace noon habang siya ay namamasukan sa Hong Kong. Ilang saglit pa at tumunog ang kanyang alarm sa cellphone na nagpapaalala ng kanyang appointment para ipalaglag ang kanyang pinagbubuntis. Tinapik ni Alice ang kanyang cellphone upang tumigil ang alarm, hudyat ng pagbabago ng kanyang isip. Sa sumunod na eksena, ibinalita nya sa kaibigang si Lorna (Claudia Enriquez) na hindi sya nakarating sa appointment. Naisip niyang kaya rin niyang maging nanay.   Ang 12 Weeks ay naka-sentro sa naratibo ni Alice at ang kanyang mga pinagdaanan sa kanyang pagbubuntis at paghahanda na maging isang ina. Binibigyang-pansin ni Anna Isabelle Matutina, ang direktor at manunulat, ang mga middle-aged women na hindi madalas pagtuunan ng pansin ng ibang mga pelikula. Karamihan kasi sa mga pelikulang popular ay tungkol sa mga love story ng mas nakababatang mga babae. Bagaman may halaga rin ang ganitong mga pelikula dahil naglalaman din naman sila ng mga diskurso tungkol sa pagkababae sa lipunang Pilipino, sa huli ay karaniwang napapaloob din ang babae sa patriyarkal na lohika ng lipunan; halimbawa nito ang dominanteng naratibo ng mga heteronormative na relasyon na mauuwi sa kasalan. Sa 12 Weeks, malinaw ang pagsalungat ng naratibo ni Alice sa mga kahingian sa mga babae sa isang patriyarkal na lipunan.  Sa eksenang nailarawan sa itaas, maaaring sabihing ang 12 Weeks ay nagpapakita ng esensyalistang pananaw na ang pagiging ina ang puno’t dulo ng pagiging babae. Ngunit sa konteksto ng pelikula, ang desisyon ni Alice na ituloy ang pagbubuntis ay isang paraan na maibalik nya sa sarili ang kontrol sa kanyang katawan, kapalaran, at kinabukasan. Nang una niyang malaman ang pagbubuntis, gusto nyang ipalaglag ito. Hindi lamang dahil hiwalay na sila ng magiging tatay na si Ben (Vance Larena), isang lalaking walang permanenteng trabaho sa umpisa ng pelikula. Ito ay dahil wala siyang buong kontrol sa nangyari. Marahil sa isip niya’y kapag tinuloy niya ang pagbubuntis ay para lamang niyang sinusundan ang iskrip ng tadhana ng babae sa lipunan. Ang pagkonsulta niya sa isang abortion doctor na nirekomenda ng kanyang matalik na kaibigang si Lorna ay simbolo rin ng kanyang pag-angkin ng kontrol sa kanyang katawan at buhay. Hindi niya kinonsulta si Ben dito na naging karagdagang sanhi ng kanilang pagaaway.   Figure 1. Si Max Eigenmann sa 12 Weeks (Matutina, 2022)  Mukhang simple ang plot ng pelikula, pero nilamnan ni Matutina ang naratibo ng women solidarity. Una na rito ang pagkakaibigan nina Alice at Lorna. Suportado ni Lorna si Alice sa kanyang mga desisyon, pero hindi rin sya nangingiming pagsabihan ang kaibigan kapag ito’y nagmamatigas ang ulo. Katulad na lamang noong nagpupumilit si Alice bumiyahe pa-Mindanao habang may martial law dahil sa kakatapos lang na Marawi Siege. Dahil nasa unang trimester pa si Alice ay delikado ang pagbabyahe lalo na sa kanyang edad. Maging ang kanyang boss na si Gus (Nor Domingo) ay pinagbawalan din siya noong una. Ayaw pumayag ni Alice, marahil dahil na rin nanggaling ang atas sa isang lalaki. Nagbago na lamang ang kanyang isip ng paliwanagan siya ni Lorna.   Ang pangalawang naratibo ng women solidarity ay sa pagitan ni Alice at ng kanyang ina na matagal na napalayo sa kanya. Ang pagbubuntis ni Alice ay nagbukas ng oportunidad na mapalapit sila sa isa’t-isa. Batid ni Grace ang pinagdadaanan ng anak sa pagbubuntis. Ikinuwento rin nya kay Alice na minsan na rin nyang tinangkang ipalaglag siya noong pinagbubuntis niya nito. Walang ma-dramang reaksyon si Alice, siguro dahil pang-ilang beses na niyang narinig ito? Katulad ni Lorna, hinayaan ni Grace magdesisyon ang anak para sa sarili, ngunit siya bilang magiging lola ay gumagampan din sa kanyang tungkulin na bigyang giya si Alice sa kanyang pagdedesisyon.   Malaman ang performance ni Bing at Max sa kanilang mga eksena. Laging kasama ni Grace sa eksena si Alice na sumisimbolo sa pagbibigkis ng mga babae dahil sa magkaparehong danas. Kitang kita ito sa eksena sa kuwarto sa ospital sa dulo ng pelikula. Nakahiga si Alice matapos itong duguin. Dumating si Grace, tumabi kay Alice at yumakap sa anak. Bagaman kinayang mag-isa ni Alice na dalhin ang sarili sa emergency room ng ospital nang sya ay duguin, ipinakita ng eksena na may ginhawa sa presensya ng nagmamahal sa oras ng matinding kalungkutan.   Mahusay ring ginampanan ni Max Eigenman ang karakter ni Alice. Dinala niya ang pelikula mula umpisa hanggang huli, katuwang ang iba pang mga babaeng karakter sa pelikula: sina Lorna at Grace. Naipakita ni Max ang lalim at complexity ng emosyon ng isang babaeng may dinadalang mga problemang personal at propesyonal. Ramdam ng manonood ang inis at galit ni Alice, gayundin ang kanyang pag-aalala at pagmamahal sa kaibigan, maging sa kanyang ina kahit na ito ay pigil at may distansya. Ang paggamit ng realist aesthetics ay nagbigay din ng panibagong biswal na paglalahad ng naratibo ng kababaihan na kadalasa’y nakapaloob sa estetiko ng melodrama.  Sa dulo ng pelikula, may isang maikling eksena kung saan si Max ay nasa loob ng ospital. Sa background ay maririnig ang iyak ng sanggol. May tekstong “1977, Cotabato City” na nagpapahiwatig na ginagampanan ni Max ang papel ni Grace noong nanganak sya kay Alice. Maya-maya’y may Muslim na babaeng nag-abot ng sanggol kay Grace. Pinagmasdan nya ito. Walang tuwa sa kanyang pagtitig sa anak, kundi pagaalala. Marahil iniisip nya kung ano ang kinabukasang aabutan ng kanyang anak lalo na at ipinanganak ito noong 1977 sa ilalim ng batas militar ni Marcos at kung kailan sumiklab ang pagaalsa ng bagong buong MILF sa Mindanao dahil sa di pagtanggap sa kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng MNLF at gobyerno.  Kabaligtaran ang eksenang panganganak ni Grace sa

Women Solidarity sa Pelikulang 12 Weeks Read More »

Scroll to Top